Kaninang umaga ay may nag-"self-demolish" ng pwesto sa palengke. Napag-alaman natin na ang naggiba ng pwesto ay isang kamag-anak ng mayor at ipinapaupa na lamang ang kanyang pwestong canteen. Sa gitna ng pagbabayad ng tama, wala man lang konsiderasyon ang may-ari sa umuupa na mawawalan ng kabuhayan.
Bakit ngayon lang nila binalak gibain ang kanilang pwesto? At kahit na napatunayan sa Sangguniang Panlalawigan na iligal ang kontrata ng Ithiel Corp. at Pamahalaang Bayan, ay nagpadala sa dikta ng mayor ang may-ari.
Malinaw na ito ay isa lamang sa mga taktika ng administrasyon upang hatiin ang pagkakaisa ng mga manininda. Gusto nilang ipalabas na matutuloy pa rin ang proyekto. Ni ang sira-sirang temporary market at ginagawa na ulit. Sanay na tayo sa ganyang taktika. Kahit nung umpisahang gawin ang temporary market ay hindi tayo natinag.
Malaki ang nakamit nating tagumpay sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa mahigpit nating pagkakaisa. Ang kasama nating inalisan nila ng kabuhayan ay tutulungan nating makabangon muli. Patuloy nating lalabanan ang tangkang pagsasapribado ng ating palengke.
Kaninang umaga rin ay nagpatawag ng Special Session ang Sangguniang Bayan hinggil sa pagbabasura ng Sangguniang Panlalawigan sa kontrata ng Ithiel Corporation at Pamahalaang Bayan. Binanggit ni Konsehal Arada na hindi daw dumaan sa "due process" ang pagbabasura sa kontrata. Ngunit malinaw na malinaw na kaya ibinasura ang kontrata nila ay dahil sila(ang Sangguniang Bayan) ang hindi dumaan sa tamang proseso. Mukhang tama-tama ang isinisigaw ng mamamayan ng Cuenca sa mga mobilisasyon, "ARADA, TUTA!"
No comments:
Post a Comment